Wednesday, October 28, 2009

Spiritual Family




Before we can fully love one another, however, we must fully love God and understand his love for us. The love we have for those around us is an indication of the strength of our Christian walk. I love this family despite the imperfection and mistakes we commit - but we are made perfect only through Christ - and not through what we do.

Photo Credits: Miggy Cabrera

Wednesday, September 30, 2009

@ 20

they remembered, and they surprised me!!! the most unforgettable birthday yet! im now out of my teen age years. I enjoyed the day especially sa mga taong nagbigay ng gift sa daan! nakakatuwa!! haha. tapos pinasuot pa agad...kinda demanding pero nakakatuwa haha! kkk. salamat talaga! tsaka, touch na touch ako kay david...siya nagplano ng lahat! salamat talaga mga dudes! sa mga nakaalalang high school friends, mga kababata, sa mga churchmates, sa mga koreanong walang sawang nagtitiis sa kakulitan ko, sa mga classmates at schoolmates, sa mga kapamilya't kapuso..maraming salamat! 101% thankful lalo na kay Lord!!!! 1 million thanks for being around in my 20th..it's great and fun with all of u guys!...peace, love, and joy, and God at 20..more and more!

A birthday cake @ 12 midnight and an almost spoiled surprise..haha. They defined me from A~Z, and I defined to them what "friendship" is. Salamat, thank you, 감사합니다!!














Monday, September 28, 2009

ako ito!

sobrang busy kami sa Research paper namin, di na kami natutulog ~ kaya madalang lang ako makapagblog kahit araw~araw ako sa facebook. malapit na ko magbente at busy pa rin kami kasi colloquium na namin sa wednesday! anyway. ayun, buhay pa ko! babala lang, magdala ng payong at bangka dahil maulan at mabaha! mabuhay ang mga pilipino!

Wednesday, September 02, 2009

late na naman


gusto ko maging time machine, pero patay na si Einstein.

bata pa ako, hobby ko na ang ma-late, sa klase, sa meeting, at sa kung ano pang okasyon --- bongga. hindi ko naman pinantasya na mapansin ako ng lahat dahil latecomer ako, at mas masayang libangan ang tumbang-preso kaysa sa habulan ng oras -- wala pa lang talaga atang nakakaimbento sa time machine.

palagi akong nagmumukhang ewan dahil hindi ako updated sa mga happenings --- di ko na naaabutan ang lupang hinirang, ang mga announcements ng prinsipal, ang alma mater song, na nasagasaan pala si Van ng van, na bago na pala ang time slot ng meteor garden, at may anak pala si Piolo. muntik na rin akong maexpel dahil kasalanan na pala ang hindi nagigising ng maaga.

hanggang ngayon ay isa pa rin akong bantog na latecomer. minsan hindi ko sinasadya, pero most of the time tingin ko wala namang kwenta pag on time ako o maaga. minsan tingin ko rin talagang dapat akong hintayin.

hindi nakakatuwa ang mga katagang "late na naman". para akong nakapatay ng mag-ina! at may multa na pala ang mga latecomers sa henerasyong ito. nakakairita dahil tingin ko walang hustisya ang malate. mas masahol pa sa J-walking ang malate dahil 100 agad for 5 minutes! wala man lang grace period! gosh!

alam kong mahirap ang maghintay, at nararamdaman ko ang hapdi ng hindi sinisipot. pero hindi makatarungan ang multahan ng 100 dahil late sa appointment for 5,10,15 minutes, dagdag pa ng 20 pesos for every 5 minutes. napapahiya pa ako sa mga titser na latecomers din! buti pa ang mga nangongotong!

isa akong bantog na latecomer na pwede ng gawan ng alamat. nakatatak na sa ulo ko ang salitang "LATE". palagi akong nakikipaghabulan sa oras--hindi napapagod, hindi nababagot, manhid! dahil ba sa patay na si Einstein at hindi naimbento ang time machine? o tamad lang talaga ako? gusto ko ng makawala sa mga katagang "late na naman". di bale, sabi nga ng mga latecomers na katulad ko.... ALWAYS LATE...BUT WORTH THE WAIT! hmmm, cheka! tingin ko naman magbabago pa ako as time goes by, so please wait! bwahaha ^^

NOTE: wala akong intensyong babuyin ang mga "early birds catching early worms" <--- dahil kayo ang pinapangarap kong gayahin. 5 minutes for 100PHP? BRING IT ON!!! gusto ko naman talaga maging uod na katulad niyo. ^^

Tuesday, September 01, 2009

NGSB ako dahil...


...mahirap lang ako

...hindi ako handa gumastos para sa kanya

...ayoko ng magulo habang naglalaro ako ng starcraft

...halos lahat ng babae possessive

...nakakaubos ng load

...nakakasakal

...nambubulabog ng privacy

...wala kang individual time

...magiging helper lang ako

...baka mapagkamalan akong driver niya

...ayoko masaktan ang puso ko (charing)

...hindi balance sheet ang puso ko na pedeng i-debit, credit (cheka)

...wala pa akong natitipuhan

...hindi ako gamitan

...hindi ako ATM machine

...ayoko ng break-up

...ayoko rin ng cool-off

...ayoko ng away

...lahat ng mga magagandang type ko maiingay

...natuturn-off ako sa mga babaeng may bigote

...estduyante pa ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay

...mas masaya akong single

...mas marami akong nagagawa kapag single

...ayoko ng maarte

...ayoko ng mapapel

...ayoko makonsensya

...baka ilalayo niya ako sa mga kaibigan ko

...baka hindi na ako makapagstarcraft

...baka mabagsak ako

...baka di ako makagraduate

at higit sa lahat ...magiging kasalanan ko lang lahat, lahat, lahat, kahit hindi, hindi, hindi!!!!!!!!!



Note: NGSB --> No Girlfriend Since Birth

Saturday, August 29, 2009

si sandara park



NOON

NGAYON

dati pa ko hooked sa kanya during SCQ days, haha. sinubaybayan ko mula episode 1 hanggang sa final night dahil mahal ko sandara, bwahaha. kyut na kyut talaga kasi siya at nakakatuwa. kahit ngayong lightyears na ang naabot niya, talagang pinagmamalaki pa rin niya ang pilipinas, at philipinized din siya. malayo pa aabutin niya.

starcraft mania


i am starting to get addicted with starcraft again. i remember playing the game way back in my elementary years, 2000. wasn't really a good player, but this time, im trying hard to be one! im good at playing protos and i enjoy torturing zerg. sadly, i still haven't gone in touch with the 2nd installment of the game, the alpha version. the old version's enough for now. kk, got to beat my korean churchmate!! grr, he's dang so clever, and he's got like 4 hands in a haste to rush a game! i'm gonna beat him sooner, kk.

Friday, August 28, 2009

mga munting alaala


Naalala ko pa si George ~ palagi ko siyang napapanaginipan nong bata pa ako ~ tingin ko isa siyang Decepticon dahil gusto niya akong lamunin ~ "George, George" ~ napanaginipan ko siya ng dalawang beses ~ gusto pa rin niya akong lamunin ~ tingin ko, Decepticon talaga siya.

Naaalala ko pa si Dangerous Dave ~ wala pang DOTA, L4D, o Ragnarok sa mga araw na yun ~ karibal niya sina Mario at Luigi ~ mataas ang talon ni Dave kahit maliit lang siya ~ tumatalon sa apoy at lumalangoy sa tubig ~ dangerous talaga si Dave dahil sa liit niya ay napipinsala niya ang mga kalabang higante ~ wala pang XP o flat screen ~ wala pang Wifi at tanging karera't piso piso lang ang munting kaligayahan ng ma chikiting ~ pero iba pa rin si Dangerous Dave ~ sa Pentium 1 ko siya nakilala ~ sa kanya ko nalaman na tatalon siya pag pinindut ko ang SPACE ~

Naaalala ko pa si Ate Belen ~ yung yaya nung dati kong bespren na ubod ng yaman na hanggang ngayon ay di pa rin nauubusan ng pera ~ kebs lang siya kung inuubos namin ang pagkain ng alaga niya ~ kebs lang siya pag magdamagan kami sa underground sala ng alaga niya ~ kebs lang siya pag nakakabasag kami ng jar ~ kebs lang talaga siya ever ~ kaya mahal namin si Ate Belen ~ demo, hindi siya napromote bilang mayor doma ~ at wala na siya sa pwesto ngayon ~ buhay pa kaya siya?

Naaalala ko pa si Mamang Manlalangoy ~ he saved my life cheka eklavu! kung hindi dahil sa kanya malamang ako ang susundo kay Michael Jackson sa kanyang biyaheng langit ~ muntik nakong mamatay ~ malamang wala akong maaalala ngayon kung wala si Mamang Manlalangoy ~ hindi ko na matandaan ang mukha niya at hindi ako nakapag thank you ~ kung sino ka man at kung buhay ka pa ~ sana may facebook ka dahil dito ako magpapasalamat sa'yo ~ Salamat.

Naaalala ko pa si Duwende ~ yung inaalayan namin ng kendi upang makaligtas kami sa kanyang sumpa't kaparusahan ~ Naaalala ko pa si Rocky ~ yung nagturo sakin kung pano uminom ng tubig dagat ~ Naaalala ko pa si Sharon Lumanta ~ yung kyut kong kaklaseng muntik ng nasagasaan ~ at muntik na niya kong nasali sa near~death adventure niya ~ Naaalala ko pa sina Play at Mates ~ yung mga kalaro ko nong nagbakasyon ako sa Maynila ~ bespren ko daw sila ~ gusto ko silang mameet muli ngayong may balahibo na kami sa kili kili ~ Naaalala ko pa si Superman ~ Naaalala ko pa si Alpha 5 ~ Naaalala ko pa si Rogue at si Gambit ~ Naaalala ko pa ang karera ~ Naaalala ko pa ang Playstation 1 ~ Naaalala ko pa ang Dance Pad ~ Naaalala ko pa ang Game Planet ~ Naaalala ko pa si Paul at si Boss ng Game Planet ~ Naaalala ko pang alaga nila ako sa Game Planet ~ Naaalala ko pa si Daryl na karibal ko sa Dance Dance Revolution ~ Naaalala ko pa si Pacman ~

Naaalala ko pa si Ate ~ yung student assistant sa library na palaging nakangiti ~ Naaalala ko pa St. John Baptist De La Salle ~ hindi ko makakalimutan si Rico Yan ~ yung artistang namatay dahil sa tuwa ~ kung kelan siya namatay ay yung kelan ko rin nakilala si father dear ~ Naaalala ko pa yung mga Ilocanang nagdala sakin galing London papuntang Pilipinas ~ Naaalala ko pa yung katabi kong British sa Eroplano na walang ibang alam gawin kundi maglaro ng Caveman ~ at naaalala ko pa si Caveman ~ Naaalala ko pa si Paul Walker ~ yung British na tawag ng tawag sa akin dahil ako raw ang tagapagmana ng $14M mula sa isang matandang mayamang namatay bigla at walang tagapagmanang naiwan ~ nakapagpirma ako ng papeles na hanggang ngayon ay nasa 'kin pa ~ di ko alam kung anong raket yun pero talagang riyalistik ~ walastik kung makagimik ~ at bigla na lang siyang nawala

Naaalala ko pa si Steven Liu ~ Naaalala ko pa ang Af forum kung saan nabuhay ang aking internet adiktusness ~ naaalala ko pa si Zenki ~ Naaalala ko pa si Chabelita ~ Naaalala ko pa si Esperanza at Son Goku ~ magkaribal sila ~ Naaalala ko pa si Jessa Zaragosa ~ sabi nila badin daw siya ~ care ko ba kung mas magaling si Jolina Magdangal kay Antoinette Taus? ~ yayaman ba ako kung susubaybayan ko ang misadventures ni Blue Blink at Mojacko? ~

Ito ang aking mga munting alaala ~ sa bawat sandali'y gusto kong balikan ang mga panahon kung kelan P.25 pa ang snowbear at natutuwa ako sa Marie Biscuits at Domino ~ kung kelan wala pang research projects at martial law the nursing version ~ mga alaalang masarap balikan ~ mga alaalang bahagi ng iyong buhay ~ mga alaalang nagbunga ng kasalukuyan ~ masaya ~ nakakatuwa~ cheka.

Tuesday, August 11, 2009

midterms


I am concentrating, contemplating, studying, persevering... . no space for procrastination. gosh. I have to graduate, so I'll have to pass all the exams! T_T so help me God. God is faithful. No blogging this week. God bless the Philippines. T_T

Monday, August 03, 2009

Redemption

Can't wait for this season.

Monday, July 27, 2009

Dance, dance

The dance steps are uniquely choreographed..Cool and catchy...in a way that I wanna groove to its beat as well haha. The dance steps ...

Friday, July 24, 2009

My Coffee Facts


~I hated drinking coffees not until college ~ 2006
~the most cups of coffee I've drunk in a day is 6
~I usually drink coffee to stay awake during lengthy study periods
~I don't drink sugarless coffees ^^
~A cup of hot coffee is best during rainy days
~I haven't tried Starbucks coffees
~A cup of coffee helps me think and plan things efficiently
~I usually consume at least a can of ice coffee in a day ~ usually during nighttime
~Coffeeholic? Coffee~love.